Ang pinaka masakit na paalam ay yung hindi na nasabi.
Yung hindi na pinaalam at bigla nalang umalis ng wala man lang pasabi.
Walang tsansang mag tanong at hindi rin malinaw ang nangyari.
Kalabisan bang hilingin ang makita ka kahit sandali,
marinig ang 'yong tinig sambitin ang ngalan kong muli.
Mas masakit sa paalam ang pag kukubli.
Yung tinago mo ang lahat ng tanong, pangamba at nagdesisyon kang mag isa.
Tinanggalan mo ako ng tsansang tulungan ka.
Sinolo mo ang dapat sana'y ating dalawa.
Binalot mo sa pagdududa ang lahat ng pinangako mong saya.
Pero wala ng hihigit pa sa pakiramdam ng mag isa.
Yung alam mong wala na sya at hindi na babalik pa.
Hindi kana hinarap at wala ng binigay na dahilan para umasa.
Iniwanang mabigat ang nadarama matapos lumigaya.
Tila sabay ang pagbagal ng oras ko at pagbilis ng lumilipas na panahon.
Sa huli, mas mahirap parin palang sabihin kaysa marinig ang "Paalam, mahal ko",
Hindi kasi madaling makalimot ang puso kesa sa isip kahit pa tama ito.